1 November 2025
Calbayog City
Local

Kauna-unahang “Angat sa Dagat Bangkarera” ng Pioneer Marine Epoxy, matagumpay na idinaos sa Calbayog City

pioneer epoxy bangkarera

MATAGUMPAY na idinaos ang kauna-unahang “ANGAT SA DAGAT BANGKARERA” ng Pioneer Marine Epoxy. 

Mahigit limampung mga Bangkarerista ang lumahok sa aktibidad na ginanap sa Naga Beach sa Brgy. Carayman, Calbayog City, araw ng Sabado, June 8, 2024. 

Ayon kay Monch Reyes, brand manager ng Pioneer Marine Epoxy, malaki ang pasasalamat nila sa mga sumali sa kompetisyon, maging sa napakaraming manunuod. 

Nagkaroon muna ng tatlong elimination rounds bago itinanghal ang Top 3 finalists. 

Si Romar Villarin ang itinanghal na First Runner Up; si James Ongcal naman ang 2nd Runner up at si Ludogaryo Atacho ang nakakuha ng 3rd Runner Up. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *