PATAY ang isang katorse anyos na babae matapos saksakin ng kanyang lalaking kaklase sa loob mismo ng isang paaralan sa Parañaque City.
Ayon sa Parañaque City Police, dakong ala una ng hapon noong Miyerkules nang mangyari ang krimen sa Moonwalk National High School.
ALSO READ:
Deputy representative minister ng TECO sinubukang sumakay ng MRT-3
Tulong sa mga empleyado ng nasunog na Landers Supermarket, siniguro ng Quezon City LGU
NCRPO, walang namo-monitor na anumang banta para sa anibersaryo ng EDSA People Power sa Feb. 25
4 na critically endangered na uri ng amphibian, nailigtas sa Malabon
Apat na beses umanong inundayan ng saksak ng suspek ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital.
Inaresto naman ang lalaking estudyante at inilipat sa Bahay Pag-asa ng Department of Social Welfare and Development dahil sa pagiging menor de edad nito.
Patuloy ang imbestigasyon sa motibo sa krimen, bagaman isa ang bullying sa sinisilip na anggulo ng mga awtoridad.
