MULING nag-viral sa social media sina Kathryn Bernardo at Lucena Mayor Mark Alcala, dahil sa kani-kanilang litrato sa airport na ipinost sa online.
Namataan umano sina Kathryn at Mark sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bagaman magkaibang oras, subalit parehong patungo ng Australia.
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Kinumpirma ng sources na patungong Melbourne ang aktres habang sa Sydney ang destinasyon ng Alkalde.
Gayunman, hindi sinabi ng sources kung magkikita nga ang dalawa sa Australia.
Umingay ang tsismis sa online sa pagitan nina Kathryn at Mark, kasunod ng mga report na nagkikita ang dalawa noon pang Disyembre ng nakaraang taon.
Noong nakaraang buwan ay naispatan ang aktres at alkalde na magkasama sa Bonifacio Global City, bagaman hindi sila napiktyuran dahil nagmamadali umano silang sumakay sa van.
