12 March 2025
Calbayog City
Local

Kaso ng dengue sa Eastern Visayas, bumaba

HINDI tulad sa ibang rehiyon sa bansa, bumaba ang kaso ng dengue sa Eastern Visayas sa unang isa’t kalahating buwan ng taon.

Simula Jan. 1 hanggang Feb. 15, 2025, bumagsak sa 812 ang dengue cases sa rehiyon mula sa 1,141 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Jelyn Malibago, Regional Information Officer ng DOH-Eastern Visayas, na maiuugnay ang pagbaba ng kaso sa sustained implementation ng dengue prevention measures.

Sa kabila ng pagbagsak ng dengue cases sa rehiyon, hinimok pa rin ng DOH ang publiko na paigtingin ang implementasyon ng kanilang mga programa upang maiwasan ang pagkalat ng virus na dala ng kagat ng lamok.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).