Lumobo ng 381 percent ang Chikungunya cases sa bansa simula Jan. 1 hanggang nov. 25, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, batay sa tala ng Department of Health.
Ayon sa DOH, umakyat sa 2,854 ang mga kaso ng Chikungunya mula sa 593 noong 2022.
Nakasaad sa Dpidemic-Prone Disease Case Surveillance Report ng DOH na dalawampung kaso ang naitala simula Nov. 19 hanggang 25 lamang.
Pinakamarami ang tinamaan ng Chikungunya sa Cordillera Administrative Region na may 1,144; sumunod ang Mimaropa, 457; Cagayan Valley, 377; at Ilocos Region na may 371 cases.
Wala namang naitalang nasawi sa naturang sakit na dala ng kagat ng lamok sa nakalipas na dalawang taon.