3 July 2024
Calbayog City
Provincial

Kandidato sa pagka-Barangay Kagawad, patay sa pamamaril sa Cotabato

kandidato

Isa pang aspirante sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre ang pinaslang ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo, sa bayan ng Pikit, sa Cotabato.

Ayon kay Police Major John Cambang, hepe ng Pikit Municipal Police, tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng trenta’y sais anyos na biktima na si Rhoyden Flores na tumatakbong kagawad sa Barangay Takepan.

Bumibili umano ang biktima sa tindahan ng gulay na nasa gilid ng kalsada nang lapitan ng mga salarin saka binaril sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Bago ang pagpaslang kay Flores ay pinatay din ng dalawang armadong lalaki ang kandidato sa pagka-punong barangay na si Haron Dimalanis sa Midsayap, Cotabato.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *