PATAY ang isang kandidato sa nalalapit na Barangay Elections makaraang pagbabarilin habang kumakain sa isang eatery sa labas ng compound ng Midsayap Municipal Hall, sa North Cotabato.
Dead on arrival sa ospital ang biktima na si Haron Dimalanis, apatnapung taong gulang.
Sugatan din sa pag-atake ang kasama nito na kinilalang si Javier Samad Kambiyong, dalawampu’t pitong taong gulang.
Ayon sa Cotabato City Police, nangyari ang insidente kahapon ng tanghali pagkatapos maghain ni dimalanis ng kanyang certificate of candidacy bilang Chairman sa Barangay Malingao.
Patuloy naman ang pagtugis ng mga otoridad sa mga nakatakas na salarin.