HINDI na ikinabigla ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang paghahain ng panibagong impeachment complaint laban sa kaniya.
Sa pahayag ng defense counsel ng bise presidente, sinabi nitong handa silang harapin ang panibagong reklamo ng patas at sa tamang constitutional process.
ALSO READ:
Kumpiyansa din ang kampo ni VP Sara na sa pamamagitan ng patas at impartial review, mapapatunayang walang legal na basehan ang reklamo.
Nauna nang sinabi mismo ni VP Sara na matagal nang pinaghahandaan ng kaniyang legal team ang panibagong reklamo.
Ayon sa bise presidente, alam kasi niyang hindi siya tatantanan ng mga mambabatas hangga’t hindi natatapos ang kaniyang termino.




