DUMULOG sa korte suprema ang mga abogado ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para maghain ng petition for certiorari.
Ito ay upang harangin ang mga imbitasyon at subpoena ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla
Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
Respondent sa naturang petisyon si Committee Chairperson, Senator Risa Hontiveros, na siyang nangunguna sa imbestigasyon ng Senado sa iligal na POGO hubs at umano’y kaugnayan dito ni Guo.
Hindi dumalo ang suspendidong alkalde sa dalawang magkasunod na hearings bunsod umano ng hindi magandang lagay ng kanyang kalusugan at stress na pinagdaanan sa mga nakalipas na dinaluhang pagdinig.
Hiniling din ng kampo ni Guo sa Supreme Court na atasan ang komite na itigil ang pag-iimbita o pagpapaharap sa suspended mayor sa Senado.
