6 August 2025
Calbayog City
Province

Kalansay ng tao na natagpuan sa Bulacan, posibleng walang kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero

WALA pa ring ebidensyang magpapatunay na may kaugnayan ang mga buto ng tao natagpuan sa isang Daycare Center sa San Jose Del Monte, Bulacan at sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon sa Local Police, hindi pa nila masabi kung may koneksyon ang dalawang kaso, dahil hinihintay pa nila ang resulta na manggagaling sa kanilang Crime Laboratory.

Malinis umano ang kalansay nang matagpuan sa isang selyadong kahon, malapit sa isang Daycare Center, sa Brgy. Tungkong Mangga.

Hinimok naman ng mga awtoridad ang publiko na huminahon at isisiwalat din nila ang kanilang findings mula sa imbestigasyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).