21 May 2025
Calbayog City
National

Kahandaan ng pamahalaan sa umano’y inilabas na arrest warrant ng ICC laban kay dating Pangulong Duterte, tiniyak ng Palasyo

TINIYAK ng Malakanyang ang kahandaan sa gitna ng mga espekulasyon na inilabas na umano ng International Criminal Court (ICC) ang warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Ad Interim Secretary Jay Ruiz, narinig na nila ang tungkol sa arrest warrant na inisyu ng ICC kay dating Pangulong Duterte bunsod ng crimes against humanity.

Inihayag ni Ruiz na gaya ng sinabi dati ni Executive Secretary Lucas Bersamin, tutulong ang pamahalaan sakaling hingin ito ng interpol.

Sa kasalukuyan ay nasa Hongkong ang dating pangulo at kanyang anak na si Vice President Sara Duterte para dumalo sa thanksgiving event ng Overseas Filipino Workers.

Sa bahagi ng kampo ng mga Duterte, itinanggi ni dating Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo ang mga alegasyon na nagtangkang tumakas ang mag-ama.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).