GINALUGAD ng National Museum of the Philippines ang bayan ng Laoang at mga nakapaligid ditong maliliit na isla, kabilang ang Batag Island at Cahayagan Island, at na-highlight ang kahalagahan ng mga ito sa ancient maritime trade.
Ang naturang hakbang ay inilarawan ng mga opisyal bilang first systematic archeological reconnaissance sa lalawigan simula noong 1960s.
ALSO READ:
Pagtatayo ng modernong public market sa Tacloban City, inaasahang sisimulan ngayong taon
Mga tsuper at commuter sa Leyte, nagpakita ng katatagan sa kabila ng tumataas na presyo ng langis
Resolusyon para mabawasan ang singil sa kuryente sa Off-Grid areas, inihain ng kinatawan ng Northern Samar
1 Calbayognon, Hinirang Bilang kauna-unahang King of Albay Ultra
Layunin nito na i-reassess ang sites ng cultural at scientific significance at magbigay ng linaw sa pre-colonial past ng rehiyon.
Pinaniniwalaang mahalaga ang naging papel ng Northern Samar sa regional history dahil sa strategic position nito sa kahabaan ng maritime routes noong Manila-Acapulco galleon trade, na nag-ugnay sa Asya at Amerika mula sa 16th hanggang 19th centuries.
