NAGLULUKSA ang aktres na si Rufa Mae Quinto dahil sa pagpanaw ng kanyang US-Based Estranged Husband na si Trevor Magallanes bunsod ng hindi pa tukoy na dahilan.
Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, inalala ni Rufa Mae ang pinagsamahan nila ni Trevor bilang pamilya, kasama ang anak na si Athena, sa pamamagitan ng Instagram page ng actress-comedian, kahapon.
Zaijian Jaranilla, tikom ang bibig sa estado ng relasyon kay Gela Atayde
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Sa caption, sinabi ni Rufa Mae na labis niyang ikinalungkot ang balita, kasabay ng hiling na bigyan sila ng panahong magluksa, lalo na ang kanyang anak, at ipagdasal sila na makayanan ang pinagdadaanan sa tulong at awa ng Panginoon.
Inihayag din ng aktres na nangangalap siya, maging ang pamilya Magallanes ng impormasyon hinggil sa pagpanaw ni Trevor.
Nagpaabot naman ng panalangin at pakikiramay ang ilang kasamahan sa industriya ni Rufa Mae, gaya nina Jaya, Ogie Alcasid, Maxene Magalona, at Alessandra De Rossi, sa pamamagitan ng Comments Section.
