INAMIN ni Dismissed Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara na nakatrabaho niya si Public Works ang Highways Undersecretary Roberto Bernardo sa pagbibigay ng mga komisyon mula sa Flood Control Projects sa mga kampo nina Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, Dating Senador Bong Revilla Jr., Ako Bicol Rep. Zaldy Co, at Dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon.
Sa kanyang pagharap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalyang Flood Control Projects, sinabi ni Alcantara na taong 2022 nang magsimulang magbaba ng pondo sa kanyang District Office si Bernardo at ang kasunduan ay 25% ng proyekto ay para sa Proponent.
Finger Heart Sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Mahigit 1,300 mga silid-aralan, sinira ng Bagyong Opong at ng Habagat – DepEd
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga Bagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Aniya, sa 25%, may Advance na 5 hanggang 15% na kalimitang hinihingi ni Bernardo pagkatapos ng Bicameral Conference Committee.
Inihayag ni Alcantara na binigyan ni Bernardo ang DPWH Bulacan First District Engineering Office (DEO) ng 350 million pesos na halaga ng Government Projects noong 2022; 710 million pesos noong 2023; at 3.3 billion pesos noong 2024.