29 September 2025
Calbayog City
National

Pamahalaan, may sapat na pondo para agad matulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Nando – DBM

TINIYAK ng Department of Budget and Management na may sapat na pondo ang gobyerno para tumugon sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon “Nando.”

Ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman as of Sept. 22, ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund ay nagkakahalaga ng 8.633 billion pesos.

Ang ponding ito ay para sa Aid, Relief, at Rehabilitation Services para sa mga komunidad na tinamaan ng kalamidad, gayundin ang Repair at Reconstruction ng permanenteng istraktura at iba pang mga Capital Expenditure para sa mga Disaster Operation.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.