11 March 2026
Calbayog City
National

Singil sa kuryente, tataas din; utay-utay na oil price hike walang silbi, ayon sa grupong BAYAN

KASUNOD ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo, tataas din ang singil sa kuryente ng Meralco.

Ayon sa Meralco, mayroong humigit-kumulang one hundred twenty-nine pesos na dagdag sa bayarin sa kuryente ngayong Marso para sa mga pamilyang kumokonsumo ng two hundred kilowatt-hour.

Paliwanag ng Meralco, nagmahal kasi ang mga pass-through na singil gaya na lamang ng generation at transmission charges.

Sinabi ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, dahil unti-unti nang umiinit ang panahon, inaasahan na din ang pagtaas sa demand ng kuryente na makadaragdag pa sa energy costs.

Samantala, para sa grupong Bagong Alyansang Makabayan ay wala ring silbi ang utay-utay na pagpapatupad ng dagdag sa presyo ng produktong petrolyo.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.