BABALIK sa Pilipinas ang K-Pop Boy Band na Seventeen para tapusin ang kanilang Ongoing “New_” World Tour.
Siyam na miyembro lamang ng grupo na kinabibilangan nina S.Coups, Mingyu, Vernon, Joshua, DK, Seungkwan, Jun, The8, at Dino ang nasa Tour.
ALSO READ:
TV Host Bianca Gonzalez, dismayado sa mas mahal na travel cost sa Siargao kumpara sa ibang bansa
Claudine Barretto, inakusahan ng kidnapping ang kanyang personal assistant
Lea Salonga, inaming hiwalay na sila ng mister na si Robert Chien
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Ito ay dahil sinimulan na nina Jeonghan, Wonwoo, Hoshi, at Woozi ang kanilang Mandatory Military Service.
Ang Tour ay nangangalahati na sa kanilang Schedule kasunod ng Shows sa Korea, China, at United States.
Magpapatuloy ito sa pamamagitan ng 10 Shows sa apat na lungsod sa Japan, sa pagitan ng Nov. 27 hanggang Dec. 21. Ayon sa Pledis Entertainment, may dalawang bagong Stops na idinagdag ang label ng grupo, na kinabibilangan ng Singapore sa March 7 at Pilipinas sa March 21, 2026.
