3 July 2024
Calbayog City
Entertainment

K-Drama actor Jung Hae In nagpaabot ng pagbati  matapos maisapubliko ang relasyon nina Jisoo at Ahn Bo Hyun

USAP-usapan ngayon ang K-Drama actor na Jung Hae In matapos mag-react sa pagsasapubliko ng relasyon ng blackpink member na si Jisoo at aktor na Si Ahn Bo Hyun.

Kahapon ay kinumpirma ng agencies nina Jisoo at Bo Hyun na YG Entertainment at FN Entertainment, na “dating” ang relationship status ng dalawa.

Ipinaabot ni Hae In ang kanyang pagbati sa dalawa at hiniling na ipagpatuloy ang kanilang healthy and beautiful relationship.

Pinabulaanan din ng aktor na siya ang naging daan para magkakilala sina Jisoo at Bo Hyun.

Si Hae In ay naka-loveteam ni Jisoo sa unang lead series ng K-Pop idol na Snow Drop habang si Bo Hyun ay malapit umanong kaibigan ng K-Drama actor.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *