IKINU-konsidera ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na irekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ang 60-Day Suspension sa importasyon ng bigas na nagsimula noong Sept. 1.
Sa Statement, sinabi ni Tiu Laurel na habang hinihintay ang Data Validation, balak niyang irekomenda sa Pangulo na i-extend ang ban ng 15 hanggang 30 days.
Inihayag ng kalihim na inaasahang maisusumite ng Dept. of Agriculture (DA) ang rekomendasyon kung pahahabain o paiiksiin ang Import Moratorium sa katapusan ng Setyembre.
Gayunman, dahil aniya sa pagbuti ng presyo ng palay, kaya plano niyang palawigin ang umiiral na Importation Moratorium sa bigas.
Batay sa Preliminary Data, sinabi ng DA chief na tumaas ang Farm-Gate Prices ng Wet Palay sa mga nakalipas na linggo.




