TINIYAK ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III ang 5-minute response time sa road emergencies sa pamamagitan ng kanilang traffic hotline.
Sinabi ni Torre na tawagan lamang ang 02-136 at sa loob ng limang rings ay mayroong sasagot na human operator.
Aniya, ang pinagbuting sistema ay para sa mas mabilis na koordinasyon sa pagitan ng on-round responders at metrobase operators na naka-istasyon sa MMDA Command Center sa Pasig City.
Ginarantiyahan ni Torre na may sapat na manpower ang MMDA para matugunan ang pangangailangan ng mga motorista na makararanas ng emergency sa kalsada.
Idinagdag ng MMDA general manager na ilang taon nang operational ang 136 hotline, subalit nais itong i-highlight ng ahensya sa mga motorista.




