HINDI pipigilan ng Malakanyang si Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, na magsalita kaugnay sa pambu-bully ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Palace Press Officer, Usec. Claire Castro, hangga’t ang mga pahayag ni Tarriela ay patungkol sa operasyon at naaayon sa batas, ay walang dapat na ikabahala.
ALSO READ:
Binigyang-diin ni Castro na ang ipinagtatanggol ni Tarriela ay ang karapatan ng Pilipinas.
Mayroon lang aniyang bilin ang pangulo na sundin ang batas, protocols at diplomasya.
Dagdag pa ni Castro hindi dapat maging balat-sibuyas ang mga kritiko dahil pati ang pangulo ay naging paksa na rin naman ng caricature na inilabas mismo ng China.




