NAGHAHANDA na ang National Food Authority (NFA) Regional Office sa Tacloban City para sa pagre-release ng 71,000 bags ng bigas sa mga interesadong local government units sa Eastern Visayas sa ilalim ng Food Security Emergency sa bigas.
Sinabi ni NFA Eastern Visayas Regional Manager May Sara Sabarre, nakikipagpulong sila sa mga opisyal ng LGUs, bago ang inaasahang paglalabas ng mas murang bigas simula sa Feb. 15.
ALSO READ:
Calbayog City LGU, nag-turnover ng panibagong School Vehicle sa ilalim ng Sakay Na Program
Mahigit 236 million pesos na halaga ng Relief, inihanda ng DSWD Region 8 para sa mga biktima ng kalamidad
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
Noong Lunes ay idineklara ng Department of Agriculture ang Food Security Emergency sa bigas, upang mapababa ang presyo ng produkto at maging abot-kaya para sa lahat.