WALANG pagsidlan ang tuwa ng actress-dancer na si AC Bonifacio matapos siyang i-follow back ng BTS member na si Jungkook sa TikTok.
Ibinahagi ni AC sa X (dating Twitter) ang mga screenshot mula sa social media platform at inihayag ang kanyang kasiyahan.
ALSO READ:
Inamin din ng kapamilya actress na bias niya si Jungkook simula pa noong 2017.
Si AC ay naging bahagi ng first season ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition,” at siya at ang kanyang ka-partner na Kapuso star na si Ashley Ortega ang unang na-evict sa bahay ni kuya.
Samantala, nakatakda namang i-release ng BTS ang kanilang first group album simula noong 2022 na “Arirang” sa March 20.




