12 October 2025
Calbayog City
Sports

June Mar Fajardo, CJ Perez at Calvin Oftana, sasabak naman sa training ng Gilas Pilipinas matapos ang PBA Philippine Cup Finals Series

WALANG pahinga sina June Mar Fajardo, CJ Perez, at Calvin Oftana, dahil matapos ang nakakapagod na PBA Season 49 Philippine Cup Finals Series sa pagitan ng San Miguel at TNT, ay sasabak naman ang tatlong beterano sa laban ng Gilas Pilipinas.

Sina Fajardo at Perez ng Beermen at Tropang 5G Sniper na si Oftana ay tututok naman sa kanilang National Team Duties, para sa paghahanda ng Gilas sa 2025 FIBA Asia Cup.

Hindi naman alintana nina Perez at Oftana ang pagod dahil nais nilang palakasin pa ang Gilas sa Continental Tournament.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).