Ibinahagi ni Julia Barretto kung gaano siya ka-proud sa boyfriend na si Gerald Anderson na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media dahil sa pagtulong sa pagliligtas sa mga binahang residente nang manalasa bagyong Carina at habagat.
Gayunman, inamin ng aktres na labis siyang nag-alala at ipinagdasal nalang ang kaligtasan ng nobyo na hindi alintana ang panganib na maari nitong sapitin sa gitna ng masamang panahon.
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Sinabi pa ni Julia na ang pagkukusa ni Gerald na lumangoy sa baha at tumulong sa mga stranded na pamilya sa paglilikas ay nagpapakita kung gaano kabuti ang puso nito.
Noong nakaraang buwan ay tumulong si Gerald sa pag-rescue ng isang pamilya sa Barangay Sto. Domingo, sa Quezon City.
Matatandaang tumulong din ang aktor sa pag-rescue sa mga biktima ng bagyong Ondoy noong September 2009.
