Pumanaw na si Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile sa edad na 101.
Ang pagpanaw ni Enrile ay kinumpirma ng kaniyang anak na si Katrina Ponce Enrile.
ALSO READ:
Ayon kay Katrina, pumanaw ang kaniyang ama 4:21 ng hapon ngayong Huwebes, Nov. 13 habang kasama ang kaniyang buong pamilya.
Una nang sinabi ng pamilya na nakikipaglaban sa sakit na pneumonia ang dating senador.
Humingi muna ng pang-unawa ang pamilya sa publiko at hiniling na bigyan sila ng pagkakataon na pribadong makapagluksa.
Ilalabas na lamang aniya ang mga detalye ng public viewing sa sandalling maisapinal na ang schedule.
Nagpasalamat din ang pamilya Enrile sa mga nag-alay ng panalangin para sa dating senador.




