Humarap sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure si dating assistant district engineer ng Department of Public Works and Highways Brice Hernandez.
Ayon kay ICI Special Adviser Benjie Magalong, nag-“tell all” at walang itinago si Hernandez sa kaniyang pagharap sa komisyon.
ALSO READ:
Finger Heart Sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Mahigit 1,300 mga silid-aralan, sinira ng Bagyong Opong at ng Habagat – DepEd
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga Bagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Sinabi ni Magalong na “very cooperative” si Hernandez ay sinagot ang lahat ng mga tanong nang malaya at walang pagkukubli.
Nangako din umano si Hernandez na patuloy na makikipagtulungan sa komisyon at ilalantad ang lahat ng kaniyang nalalaman.