Sasailalim sa Code White Alert ang Central Office ng Department of Health (DOH) bilang paghahanda sa eleksyon sa Lunes, May. 12.
Ayon sa DOH, iiral ang Code White Alert sa kanilang Central Office simula May 11, 2025 hanggang May 14, 2025.
Ito ay para matiyak ang kahandaan ng mga health facilities at kanilang mga tauhan para rumesponde sa anumang health emergencies bago ang eleksyon, sa mismong araw ng botohan at pagkatapos ng halalan.