Tutulong ang Department of Justice (DOJ) sa mga ahensya sa pangangalap ng mga ebidensya at pagpapatibay ng kaso laban sa mga indibidwal na nasa likod ng umano’y cyanide fishing sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.
Sa statement, tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi niya palalampasin ang mga gawaing nakasasama sa kalikasan at nag-aalis sa karapatan ng mga Pilipino na pakinabangan ang yaman ng naturang katubigan.
Ginawa ng kalihim ang pahayag, matapos matuklasan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang matinding pinsala sa lagoon, na posibleng dulot ng cyanide fishing ng China at Vietnam.
Bukas naman si pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paghahain ng kaso laban sa mga responsable sa iligal na paraan ng pangingisda, kung mayroong sapat na ebidensya.