NAGSIMULA na ang pag-eensayo nina Jordan Clarkson at Kai Sotto para sa koponan ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa 2023 FIBA World Cup.
Nag-ensayo ang koponan sa Philsports Arena sa Pasig City.
Sa video na ibinahagi ni Coach Chot Reyes sa instagram, makikita ang pagsasanay ng mga manlalaro, kasama sina Clarkson at Sotto at iba pang miyembro ng Gilas na kauuwi lamang galing sa China matapos lumahok sa 2023 Heyuan Wus International Basketball Tournament.
Si Sotto ay umuwi sa Pilipinas para magpagaling sa kaniyang back injury habang si Clarkson naman ay kadarating lamang sa bansa noong martes.
Sa August 25 makakaharap ng Gilas ang Dominican Republic at gaganapin ang kanilang laban Philippine Arena, sa Bulacan.