3 July 2024
Calbayog City
Entertainment

Jomari Yllana sinorpresa ng marriage proposal si Abby Viduya sa Hong Kong

NAIYAK sa tuwa si Abby Viduya makaraang lumuhod at pormal na inalok siya ng kasal ng kanyang partner na si Jomari Yllana sa gitna ng kanilang ongoing wedding preparations.

Ibinahagi ni Abby, na dating kilala sa screen name na Priscilla Almeda, sa Instagram ang ilang litrato ng proposal ni Jomari, sa The Peak.

Lumipad patungong Hong Kong ang couple para i-celebrate ang birthday ng aktor.

Sinabi ng dating sexy actress na bagaman planado na ang kanilang kasal ay nasorpresa pa rin siya nang mag-propose si Jomari sa lugar kung saan nagsimula ang kanilang love story, 30 years ago.

Nag-umpisa ang love story nina Abby at Jomari noong sila ay teenagers subalit hindi nagtagal ang kanilang relasyon, at muling nagkaroon ng ugnayan sa social media noong 2016 hanggang sa tuluyang magbalikan noong 2019.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *