PINABULAANAN ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang ulat na tumanggi ang Pilipinas na lumahok sa trilateral naval drill ng Japan, United States, at Australia sa South China Sea.
Sinabi ni Brawner na bini-verify pa nila sa mga counterpart nila sa Japan, US, at Australia ang lumabas na report sa Kyodo news.
Aniya, kung mayroon mang aktibidad ang tatlong nabanggit na bansa ay hindi na-inform ang Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Brawner na ang ibig sabihin sa report ay hindi sumama o nag-commit ng barko ang Pilipinas para sa drills.
Ayon sa hindi pinangalanang mga opisyal, iniulat ng Kyodo na magsasagawa ang Japan, US at Australia ng joint naval drills sa South China Sea, bukas.