NAGBALIK sa entablado ang siyam na buwang buntis na si Jessica Sanchez at pinabilib ang mga judge at audience ng “America’s Got Talent” Season 20.
Kahapon ay ibinahagi ng Filipino-American singer ang kanyang powerful performance ng “Die With A Smile” nina Bruno Mars at Lady Gaga.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Pagkatapos ng kanyang mahusay na pag-awit ay binigyan siya ng standing ovation at masigabong palakpakan ng mga judge at audience.
Nakapasok si Jessica sa Finals ng “America’s Got Talent” season 20 sa pamamagitan ng public voting.
Unang sumali ang Fil-Am singer sa “America’s Got Talent” Season 1 noong siya ay sampung taong gulang pa lamang at umabot siya hanggang sa semi-finals.
Nakilala naman siya matapos mag-runner up sa “American Idol” Season 11.
