NANGALAMPAG muli ang mga tsuper at operator ng jeepney sa korte suprema, dalawang araw bago simulan ng pamahalaan ang panghuhuli ng mga colorum na Public Utility Vehicles (PUVs).
Sa isinagawang protest rally, kahapon, nanawagan si Manibela Chairperson Mar Valbuena sa kataas-taasang hukuman na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa PUV Modernization Program at magtakda ng oral arguments upang marinig ang kani-kanilang panig.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Apela ni Valbuena sa korte suprema, huwag magbingi-bingihan at magbulag-bulagan, at pagtuunan ng pansin ang higit na nakararami.
Sa huwebes, May 16, ay sisimulan na ng gobyerno ang panghuhuli sa mga PUV na hindi nagpa-consolidate, dahil maituturing na silang colorum.
