INAPRUBAHAN ng Japan ang 8.1 billion pesos na halaga ng loan ng Pilipinas para sa rehabilitasyon ng MRT-3.
Nilagdaan ng Pilipinas at ng Japan ang kasunduan para sa second supplemental loan na gagamitin sa pagsasaayos ng MRT-3 para sa mas ligtas at maginhawang biyahe ng mga commuter.
ALSO READ:
Dumalo sa aktibidad sina Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, Transportation Secretary Giovanni Lopez, at Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya.
Ayon kay Lopez, patuloy ang pagtaas ng ridership ng MRT-3 kaya naman mahalagang matutukan ang rehabilitasyon nito.
Nagpasalamat naman si Lopez sa gobyerno ng Japan sa patuloy nitong suporta sa Pilipinas.




