TODO pasasalamat si Janella Salvador matapos tumanggap ng international recognition at mapabilang sa top 10 of Asia’s Southeast Asian Best Actress.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, ibinahagi ng aktres ang mga litrato nang tanggapin niya ang plaque sa Top 10 of Asia Event na ginanap sa Malaysia.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Kabilang sa mga katatapos lamang na proyekto ni Janella ay ang pelikulang “Under Parallel Skies” kasama ang Thai Actor na si Win Metawin.
Ang naturang pelikula ay ang kauna-unahan ding Philippine Cross-Country Film na nagkaroon ng World Premier sa Asian Film Awards sa Hong Kong.
