IDINEKLARANG Special Non-Working Day ng Malakanyang ang Jan. 9, 2024 sa Lungsod ng Maynila kaugnay ng Kapistahan ng Black Nazarene.
Sa bisa ng Proclamation no. 434 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, layunin ng proklamasyon na mabigyang oportunidad ang mga residente ng lungsod na makiisa sa aktbidad.
Tatlong sunod na taon na hindi naisagawa ang tradisyunal na Traslacion dahil sa COVID-19 pandemic.