22 October 2025
Calbayog City
Sports

Jamie Malonzo, planong isama ng Gilas sa SEA Games

MAGPAPADALA si Gilas Pilipinas Head Coach for Southeast Asian Games Norman Black ng Feelers kay Jamie Malonzo para sa posibleng Tour of Duty sa Thailand Games.

Sinabi ni Black na nabalitaan niya ng libre na si Malonzo, matapos ma-terminate ang kontrata nito sa Japan B. League noong nakaraang linggo.

Samantala, inihayag ni Black na mayroon na siyang labing isang players sa kanyang Lineup.

Bukod sa Initial players na pinangalanan, gaya nina Ray Parks, Matthew Wright, Remy Martin, Ange Kouame, Justin Brownlee, Dave Ildefonso, Jason Brickman, at Veejay Pre – tatlo pang pangalan ang idinagdag sa listahan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).