TINIYAK ni NBA Star James Harden na hinding-hindi na siya maglalarong muli para sa Philadeplhia 76ers hangga’t si Daryl Morey ang General Manager ng team.
Inakusahan din ni Harden si Morey na sinungaling, kasabay ng pangakong hindi siya magiging bahagi ng organisasyon na kasama ito.
Ang maanghang na pahayag ng NBA Star ay lalong nagpaingay sa kontrobersyal na contract negotiation nito sa Philadelphia.
Una nang napaulat na itinigil ng 76ers ang pakikipag-usap kay Harden tungkol sa trade at inaasahang magre-report ito sa training camp sa Setyembre.