ISA ang Hong Kong-born martial arts actor na si Jackie Chan bilang torchbearers patungong opening ceremony ng Paralympics sa Paris.
Inanunsyo ng organizing committee na ang 70-year-old actor, na kilala sa kanyang stunts at acrobatic fight scenes, ang magdadala ng torch sa Miyerkules sa Paris, ilang oras bago ang pagbubukas ng seremonya.
ALSO READ:
Pinoy Boxer Eman Bacosa, nananatiling Undefeated kasunod ng Unanimous Decision Win laban kay Nico Salado
Alas Pilipinas, kinapos laban sa Iran sa Asian Youth Games
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 51 bago sumabak sa Hong Kong Open
Justin Brownlee at Ange Kouame, pangungunahan ang Gilas Pilipinas sa Bangkok SEA Games
Bahagi rin ng torch relay ang french actress na si Elsa Zylberstein, at dancer/choreographer na si Benjamin Millepied. Ang flame na sinindihan noong Sabado sa Stoke Mandeville, sa United Kingdom, na historic birthplace ng paralympic games, ay dumating sa France sa pamamagitan ng channel tunnel kahapon, bitbit ni wheelchair fencing medalist Emmanuelle Assman.
