13 October 2025
Calbayog City
National

1,004 pang PDLs pinalaya ng BuCor

pdl bucor

Umabot sa 1,004 pang persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) magmula Hunyo13 hanggang Hulyo 3.

Sa idinaos na culminating ceremony sa New Bilibid Prison (NBP) Compound sa Muntinlupa City sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na umabot na sa kabuuang 24,583 PDLs ang napalaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Batay sa datos ng BuCor lumaya ang mga PDLs sa sumusunod na kadahilanan:

  • Acquittal – 61
  • Granted probation – 16
  • Habeas Corpus -16
  • Parole – 94
  • Bail Bond – 1
  • Cash Bond – 1
  • Expired sentence na hindi sakop ng Department Order 652 – 459
  • Expired sentence na aprubado ng Secretary of Justice – 356

Sa ilalim ng Department Order 652 na inisyu noong 2024 ng DOJ, ang paglaya ng lahat ng PDLs na nakakulong sa mga pambansang piitan at natapos nang maserbisyuuhan ang kanilang hatol ay aaprubahan ng Director General ng BuCor o ng kanyang otorisadong kinatawan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).