DUMATING sa bansa ang one hundred twenty-six na Overseas Filipino Workers galing ng Dubai araw ng Linggo, March 8.
Unang dumating sa NAIA lulan ng Emirates Flight EK-334 ang animnapu’t limang OFWs kasama ang tatlong dependents.
ALSO READ:
Nasundan ito gn pagdating ng animnapu’t isa pang OFWs lulan naman ng
Emirates flight EK-336.
Ang mga umuwing OFWs ay sinalubong ng mga tauhan ng DMW, OWWA, DSWD, at ng medical team ng MIAA.
Agad silang pinagkalooban ng tulong sa ilalim ng Post Repatriation Assistance Program ng pamahalaan.
Kabilang dito ang airport assistance, food assistance, transportation support, temporary accommodation, psychosocial counseling, at medical assistance.




