2 July 2025
Calbayog City
Entertainment

Ivana Alawi, sumailalim sa Lie Detector Test; iginiit na hindi siya Homewrecker

BAGAMAN hindi pa direktang sinasagot ang alegasyon ng umano’y relasyon niya sa producer-politican na si Albee Benitez, sumailalim si Ivana Alawi, kamakailan, sa Lie Detector Test, kung saan idineklara niya na kailanman ay hindi siya nanira ng pamilya.

Sa kanyang Youtube vlog, isang real Lie Detector Test ang ikinabit sa aktres habang tinatanong ng kanyang kapatid na si Mona.

Isa na rito ang tanong na “Ikaw ba ay nanira ng pamilya?” na agad sinagot ni Ivana ng “No.”

Nag-thumbs up naman ang operator ng machine, na ang ibig sabihin ay nagsasabi ng totoo si Ivana.

Paliwanag ng aktres, hindi siya pinalaki para manira ng pamilya, nirerespeto niya ang mga ito dahil Broken Family sila.

Idinagdag pa ni Ivana na isa siyang “private person” at hindi niya kailangang ibahagi ang lahat sa publiko.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).