TUTULAK si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa India para sa limang araw na State Visit simula Aug. 4 hanggang 8.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang pagbisita ng pangulo ay bilang pagpapaunlak sa imbitasyon ni Indian Prime Minister Narendra Modi.
Inihayag ng PCO na pagkatapos ng official meetings at events sa New Delhi ay ba-biyahe si Pangulong Marcos at delegasyon nito sa Bangalore.
Sinabi ng PCO na makikipagpulong ang punong ehekutibo sa Business Sectors sa dalawang lungsod, gayundin sa Filipino Community sa New Delhi.




