PUMANAW na ang Italian fashion designer na si Valentino Garavani, o mas kilala bilang Valentino, sa edad na 93.
Bilang isa sa giants ng 20th Century Fashion, ang mga creation ni Valentino ay isinuot ng mga celebrity at well-known figures, gaya nina Elizabeth Taylor, Nancy Reagan, Sharon Stone, Julia Roberts at Gwyneth Paltrow.
ALSO READ:
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Aktres na si Ruby Ruiz, nakauwi na sa Pilipinas matapos ma-stranded sa Dubai
Itinatag niya ang Valentino Fashion House noong 1960 at humanay kina Giorgio Armani at Karl Lagerfeld na nanguna sa kanilang propesyon.
Binawian ng buhay ang Italian fashion designer sa kanyang bahay sa Rome. Isasagawa ang funeral service sa Basilica of Saint Mary of the Angels and Martyrs.
