23 August 2025
Calbayog City
Overseas

Israeli Military, sinimulan na ang unang bugso ng pag-atake sa Gaza City

INUMPISAHAN na ng Israeli Military ang “Preliminary Actions” sa planong ground offensive para makubkob at ma-okupa ang lahat ng bahagi ng Gaza City.

Una nang inaprubahan ng Defence Minister ng bansa na si Israel Katz ang opensiba at ilalatag ito sa Security Cabinet ngayong linggo.

Sa ngayon ay mayroon nang mga nag-o-operate na tropa sa Zeitoun at Jabalia Areas para sa ikinakasang Groundwork Offensive.

Nasa animnapung libong Reservist ang pinaghahanda simula sa setyembre para sa naturang plano.

Kinondena naman ng maraming kaalyado ng israel ang plano, kabilang na si french president emmanuel macron na   nagbabalang maaari lamang itong mauwi sa sakuna at malubog ang buong rehiyon sa permanenteng digmaan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).