Patuloy ang maigting na pag-atake ng Israeli forces sa mga miyembro ng militanteng grupong hamas, sa Gaza, halos isang buwan na nakararaan mula nang sumiklab ang digmaan.
Sa tala ng hamas-run health ministry, halos umabot na sa sampunlibo ang bilang ng mga nasawi sa Gaza.
Sa kabila ng mga panawagan ng iba’t ibang bansa para sa tigil-putukan, nanindigan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na magpapatuloy ang pagdurog sa hamas.
Nagkalat ang ground forces sa kalahating bahagi ng hilaga sa Gaza Strip at hinigpitan pa ang pagbabantay sa Gaza City, kung saan daan-libong sibilyan pa ang nananatili sa lugar sa kabila ng evacuation orders ng Israel.