NAGLUNSAD ang Israel ng air strike sa Southern Suburbs ng Beirut, matapos ipag-utos ang pag-evacuate sa isang building matapos itong tukuyin na ginagamit ng grupong Hezbollah.
Nangyari ang pag-atake sa kabila ng ceasefire na ipinatupad limang buwan na ang nakalipas, na nagpahinto sa digmaan sa pagitan ng Israel at military group.
Sinabi ng Israel na tinarget nila ang imbakan ng Hezbollah ng “precision-guided missiles” na banta sa kanilang bansa at mga mamamayan.Kinondena ng Lebanese Presidency ang naturang pag-atake at nanawagan sa US at France na namagitan sa ceasefire noong Nobyembre na patigilin ang Israel sa marahas nitong hakbang sa kanilang bansa.