DALAWAMPU katao ang patay, kabilang ang mga bata, sa Israeli Strikes sa Gaza.
Ito’y matapos akusahan ng Israel ang grupong Hamas na lumabag sa US-Brokered Ceasefire Deal at sa pagbabalik ng maling labi ng mga bihag.
Ipinag-utos ni Prime Minister Benjamin Netanyahu sa militar ang agaran at malakas na pag-atake sa Gaza Strip, at naabisuhan naman umano ang US tungkol dito. Ayon sa Gaza Civil Defense, kabilang sa mga nasawi ang tatlong babae at isang lalaki sa Al-Sabra Neighborhood sa Gaza City, at limang iba pa, kasama ang dalawang bata at isang babae sa Khan Younis sa Southern Gaza Strip.




