Hinimok ng mediators sa Gaza conflict ang Israel at Hamas na isapinal na ang kasunduan sa tigil-putukan at pagpapalaya sa mga bihag na binalangkas ni US President Joe Biden.
Inihayag ng Israel na walang pormal na pagtatapos ang digmaan hangga’t nananatili sa kapangyarihan ang Hamas.
ALSO READ:
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Una nang sinabi ni Biden na nagpanukala ang Israel ng deal na kinapapalooban ng anim na linggong ceasefire, na may partial Israeli military withdrawal at pagpapalaya ng lang ilang hostages, habang pinag-uusapan sa pamamagitan ng mediators ang umano’y permanenteng pagtatapos ng giyera.
Ilang buwan nang sinisikap ng US, Egypt, at Qatar na mamagitan upang matapos na ang kaguluhan subalit nananatiling mailap ang kasunduan.
